100% KATOLIKONG PINOY! BLOG
Abangan... magsusulat ulit tayo!

Pages

Monday, February 23, 2009

Ang Pangangailangan ng isang Official Blog

Matagal ko nang minumuni-muni ang pagkakaroon ng isang "external medium" ng grupong 100% KATOLIKONG PINOY. May mga problema kasing naeencounter ang mismong friendster group at ito ay ang mga sumusunod:









1. Database failure:
From time to time ay nawawalang bigla ang mga previous discussions at prinoproblema ng mga concerned forumers ito dahil ang mga naunang mga discussions ay magsisilbing "records" at kasaysayan ng grupo.

2.Missing links: Nawawala man ang mga discussions in the time na may database failure, hindi talaga ito nabura. Ang isang external blog ang siyang maglalagay ng link prior to the arrival of yimes na may dadapong sigalot sa data ng friendster.



May ilan pang mga aspects kung bakit kailangan ng isang external blog ang isang intramural group na tulad ng 100% KATOLIKONG PINOY!


1. Too many discussions: Parami ng parami ang mga discussions ng 100%KP at madalas ay nababaon sa pagkalimot ang ibang mga relevant at helpful discussions. Ang blog ang magfefeature ng mga one-of-a-kind discussions na maaaring makatulong sa iba o di kaya'y maaaring gamitin for future use or reference.

2. Moderator reviews: Sa forums kung saan ang lahat ay maaaring makapagpost ng anumang paksa, may kailangang magevaluate ng mga topics na nabuksan at kung ano ang kinahahantungan ng mga topics na ito. Ang moderator ang siyang maglalagay ng kaniyang pananaw sa topic sa pamamagitan ng official post ng weblog

3. Members' voices: Ang blog ay ginawa din para sa mga miyembro, at maaaring gumawa ang mga miyembro ng kanilang sariling contribution at write-up na ipopost sa blog upang mabasa ito ng buong mundo.




Mas may advantage talaga ang magkaroon ng isang external medium ang grupong 100% KATOLIKONG PINOY ng dahil sa mga aspetong ito.

1 comment: