100% KATOLIKONG PINOY! BLOG
Abangan... magsusulat ulit tayo!

Pages

Saturday, February 28, 2009

Bakit Walang Pusa Sa Bibliya?



O hayan, galit na si kitty. Bakit nga raw walang pusang nakasulat sa Bibliya samantalang may asong nakasulat. Unfair di ba?



Marami nang tao sa panahong ito ang nakahiligan nang mag-alaga ng pusa. Sa Pilipinas, napaka-karaniwan na ng pusa kaya sa kasamaang palad ang iba ay tinatapon na lang dahil baka makadyahe pa ito ng pamumuhay. Maraming dahilan ang iba kung bakit ayaw nila ng maraming pusa. Una, ang pagtatae nito sa kusina ay nagpapabaho sa lugar at ikalawa, ang balahibo nito ay nagdudulot raw ng mga respiratory problems tulad ng ubo at hika. Ito rin ba kaya ang mga dahilan kaya walang pusa sa Bibliya?

Gayunpaman, marami pa ring mga "cat-lovers" sapagkat mabuti at tahimik naman talaga ang nature ng isang pusa. Malambing ito sa amo at sulit ito sa panghuhuli ng mga peste sa bahay. Ako nga rin ay nagkapusa noon at sa tuwing ipapatong ko ito sa ibabaw ng aking katawan habang nakahiga, ay mamasahiin niya ang lugar na kung saan ito nakapatong. Ang sweet, di ba?

O hayan, marami palang may gusto sa iyo, kitty. Pero bakit ka pa galit? Naniniwala ka bang walang uri mo na nakasulat sa Bibliya?

Naku huwag kang maniwala riyan. Nasa Bibliya ka.


May sinabi kasi ang Bibliya na sa aklat ng Diyos, somehow, ay walang magkukulang na hayop:


"Kundi aariin ng ibong pelikano at ng hayop na
erizo; at ang kuwago at ang uwak ay magsisitahan
doon: at kaniyang iuunat doon ang panukat na
pising panglito, at ang pabatong pangpawala ng tao.

"At ang mga mailap na hayop sa ilang ay
makikipagsalubong doon sa mga lobo, at ang
lalaking kambing ay hihiyaw sa kaniyang kasama;
oo, ang malaking kuwago ay tatahan doon, at
makakasumpong siya ng dakong pahingahan.

"Doon maglulungga ang maliksing ahas, at mangingitlog,
at mangapipisa, at aampunin sa ilalim ng kaniyang
lilim; oo, doon magpipisan ang mga lawin, bawa't
isa'y kasama ng kaniyang kasamahan.

"Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at
inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi
magkukulang,
walang mangangailangan ng kaniyang
kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at
pinisan sila ng kaniyang Espiritu."
(Isaias 34:11,14-16, akin ang pagdiriin)


At tama nga naman ang Bibliya. Wala ngang magkukulang na hayop. Hindi man nasusulat lahat ng pangalan ng mga hayop, kinikilala naman at pinapahayag ng Bibliya ang lahat ng mga hayop (Gawa 11:6, Juan 21:11). Kaya nga nasusulat sila. Atsaka, nasa Bibliya din ang mga kamag-anak mo, tulad ng liyon, leopardo, atbp.





Ano? Hindi ka ba nakuntento sa ipinahayag ko? Gusto mo talagang mabasa na kahit papaano ay binanggit din ang uri mo tulad ng pagkakabanggit ng pangalan ng aso sa Bibliya?


Okey. Nasa Bibliya ka nga. Nasa Bibliya ka na kinikilala ng mga Katoliko bilang inspirado. Nasa liham ka ni Jeremias:


"Dinadapuan sila ng mga paniki, ng mga
layang-layang at ng iba pang mga
ibon, at inuupuan ng pusa."
(Sulat ni Jeremias 1:22, Baruch 6:23, akin an pagdiriin)

O di ba? Nasa Bibliya ka. Dapat lang dahil karaniwang hayop ka na sa panahong ito at sigurado hindi ka kakalimutan ng Diyos kung sakaling loloobin niyang ang Bibliya ay pananatilihin niya hanggang sa wakas. Patunay din ito sa katungkulan ng Iglesia Katolika na pumili ng mga inspiradog libro. Akalain mo namang tama ang Sulat ni Jeremias na itabi ka sa ibon dahil mangangain ka naman talaga ng ibon sa iyong kalikasan! Tama din siya na mahilig kang umupo sa mga bagay bagay na maaari mong maupuan, hehehehehe


Atsaka, kahit di ka pa masulat sa Bibliya, hindi nangangahulugan na hindi ka na mahal ng Diyos at hindi ka kasama sa mga plano niya sa mundong ito.



O ano, masaya ka na?





Aba, hindi halata ah.^_^

10 comments:

  1. Mimmiiyayaww!Mymiyayaw! (Tagalog/human translation: "Nakakaaliw pero nakapagpapanilay..)

    ReplyDelete
  2. Ang cute ni kitty.. good job! Nalinawan aku dun ah

    ReplyDelete
  3. Akala ko si Brother Ely, waaah!

    Ge na nga... BASA!;)

    ReplyDelete
  4. sir, my dinosaur din ba sa bible..?

    ReplyDelete
  5. Ahmm, letra por letra walang makikitang salkitang 'dinsaur" sa Bibliya pero merong sinasabi sa Bibliya na mga creatures na maaring magresemble sa mga Dinosaur. Bayaan mo gagawa ako ng column tungkol sa tanong mong yan, A.S.A.P.

    ReplyDelete
  6. oo nga naman..... lahat ng Alagang Hayop ng Diyos ay kumpleto, kasama si Kitty. :-]

    ReplyDelete
  7. xo happy 4 u kitty...:)

    ReplyDelete
  8. that last picture scared me to death. It looked like a devil.
    Anyway...
    That bible did recognize cats.
    But to compare with the dogs.
    Why is it that dogs have more reputation in the bible?
    Is it because Dogs are mans best friend?
    or is it because the egyptian doesnt want cats and symbolizes death..
    anyway...
    I am a Creationist which means in anyawy wants to combine science with the bible so more scientific people like me would believe.
    The bible didnt say anything about dinosaurs.
    But it did say that there are creatures that rule the seas; Leviathans sleeping in the bottom of the ocean. and it also stated about fallen angels.
    But we must not tolerate these things.
    coz Christ must be in the center of your faith not these animals and monsters.

    PS. I had a hard time reading it. So I think you guys must move on and post English articles.

    ReplyDelete
  9. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete