100% KATOLIKONG PINOY! BLOG
Abangan... magsusulat ulit tayo!

Pages

Saturday, February 28, 2009

Fish Pala Eh





Isda, pinakapaboritong putahe ng maraming katoliko ngayong panahon ng kuwaresma. Ang karne kasi ay mga pagkaing nagsasaad ng kasaganahan ng buhay (dahil sa mahal na ay mas masarap pa), at maraming katoliko, bilang alaala ng pananatili ni Hesus sa disyerto, ay itinatanggi nila ang pagkain ng karne bilang bahagi ng kanilang pangakong makiisa sa simpleng pananampalataya at gawi mayroon ang isang Kristiyano. Kaya nga naman, ang isda ay hindi nawawala sa listahan ng mamalengkerang katoliko sa bawat Biyernes ng kwaresma at sa semana santa mismo.

Ito ay ilan sa mga recipe na aking ibabahagi sa inyo na mga kilalang putaheng isda ng mga Pinoy:




Sarsiadong Isda





Mga Sangkap
1 katamtamang laki ng sariwang isda (preferably Dalagambukid)
2 kamatis, hinati, inalisan ng buto, at tinadtad sa mas maliliit na mga bahagi )
1 sibuyas, tinadad din ng maliit
2 ulo ng bawang, pinukpok at tinadtad
Kalahating tasa ng tubig
Asin at itim na paminta para panlasa
1 itlog, binate
Mantika








Paraan:
Kaliskisin ang isda sa lahat ng bahagi at alisan ng lamang loob. Hiwain sa ibig na mga bahagi. Iprito sa mainit na mantika. Pwede mong simulan ang sarsa habang piniprito ang isda. Kung maluto ay itabi muna





Sa isa pang frying pan, maglagay ng 2 kutsaritang mantika. Ilagay ang bawang hanggang sa maging kulay brown, pagkatapos ay idagdag ang tinadtad na sibuyas. Lutuin hanggang maging malambot at maging kapansin-pansin ang amoy nito.







Idagdag ang tinadtad mga kamatis. Sangkutsahin paminsan minsan hanggang makita na ang kamatis ay naluluto sa sariling katas. Ihalo ang kalahating tasan tubig. Pakuluin. Lagyan ng asin o pamintang itim para malasahan

Ilagay ang binateng itlog at ihalo-halo lahat. Magpatuloy hanggang maluto ang itlog

Ilagay ang nalutong isda sa isang plato at ibuhos ang sarsa sa isda. Voila. Ready to serve


t


This article is from here

2 comments: