100% KATOLIKONG PINOY! BLOG
Abangan... magsusulat ulit tayo!

Pages

Monday, March 23, 2009

"Hide Me In Thy Wounds"

Last night, Sunday, it is the last mass of the Lord's Day and I am catching up for the mass with my friend, Louie. Hindi kami nakaabot sa pinakapreface ng mass. Ang naabutan namin ay ang oremus na nagpreprecede sa mga readings. Malala pa, punong puno ng tao ang katedral. Diyahe. Ngunit inexpect ko na talagang mapupuno ang katedral basta last mass. Tag-init na kasi at it is a wise option na magsimba ng gabi. Sayang di nga lang kami nakaabot at naupuan na rin ang favorite spot ko - ang upuan malapit sa choir.


Gayunpaman, doon na rin ako pumuwesto sa labas ng pinto na malapit sa choir. Ang pagkanta ang pinakaaabangan ko sa bawat service. Mas nadadama ko ang soothing spirit of solemnity sa mga awiting liturhikal. At lalo na ngayong kwaresma, kung kailan ang mga awitin ay malamyos at malumay, talagang dinadala ang aking espiritu sa presensiya ng Diyos na nasa altar.

Ayun kami, nakaupo sa madamo at maalikabok na patio sa labas. Wala mang espasyo para sa amin sa loob (meron naman, kaso diyahe namang tumayo nalang sa buong misa), nakikita ko naman mula sa labas ang lahat ng galaw ng liturhika, mga galaw na ilang daang taon nang ginagawan ng mga banal at ng Iglesia para sa ikabubuti ng kawang Kristiyano.

Napadikit ang aking balikat sa matandang pader ng katedral. Isinandig ko ang aking ulo sa pader, nagpapasalamat sa biyaya ng pagiging kaanib ng isang Iglesiang nananalig sa pangako ni Cristo na mananatili sa kanya. Ang pananampalatayang iyon ang nagtaguyod sa Iglesia at sa lahat ng mga banal rito. Dahil kung wala ang Cristong nagtayo, walang Iglesia. Walang biyayang ganito.

Communion song na. Anima Christi ang ikinanta. Kinanta ko na din ang panalanging ito na ilang daang taon na ring dinadasal ng mga banal. Hanggang ngayon, kaisa ko ang lahat ng mga banal sa bawat panahon sa pagkanta ng awiting ito. "Hear Me, Jesus, Hide Me In Thy Wounds..."

Napakaganda ng mensahe at napaluha ako nung marinig ko ang katagang "Hide me In Thy Wounds". Ilang ulit na rin akong iningatan ng Diyos mula sa mga panganib, sa suliranin, sa paghihirap, sa kamalasan. Tuwing mahaharap ako sa isang malaking problema, sinasambit ko "Lord, itago po ninyo ako." at nagkakaroon ng kapayapaan sa puso ko at ang bawat araw ay wari'y biyaya ng pagpapahinuhod ng Diyos. Ang sugat ni Cristo ang dahilan ng aking kaligtasan. Araw-araw sa tuwing naiisip ko ang Panginoon ay iniaalay ko ang aking sarili sa kaniyang sugat. "Sa mga sugat mo pagalingin mo ako." Hindi lang pagpapagaling ang nararanasan ko kundi pag-aalaga ng Diyos. Napakabuti ng Diyos.

"Hear Me Jesus, Hide Me In THy Wounds That I May Never Leave Thy Side..."

5 comments:

  1. Nice one kuya. Nalito nga lang po ako nung una sa pinaka-preface ng Mass! Akala ko yung preface ng Eucharistic prayer. Hehehe...

    ReplyDelete
  2. Pinaka hehehe... pinakasimula yun.

    ReplyDelete
  3. All time favorite ko yang anima christi... nice one kya francis!

    Soul of Christ, sanctify me.
    Body of Christ, save me.
    Water from the side of Christ, wash me.
    Passion of Christ, give me strength

    Hear me Jesus, hide me in thy wounds
    That I may never leave thy side
    From all the evil that surrounds me
    Defend me
    And when the call of death arrives
    Bid me come to thee
    That I may praise thee with thy Saints
    Forever.

    love this song...

    ReplyDelete
  4. Salamat mga kapatid. Actually, busy ako kaya yan lang muna ang ipinost ko. Yet the beauty of simplicity ay napakainam kapag Diyos ang inaalayan.

    ReplyDelete