100% KATOLIKONG PINOY! BLOG
Abangan... magsusulat ulit tayo!

Pages

Wednesday, April 1, 2009

Mga Paalala Ng Diyos Sa Bibliya

"Drink Moderately", "Uminom Lang Ng Tama", "Government's Warning..." "Breastmilk Is Still Best For Babies.." Ilang ulit na nating naririnig ang mga paalalang ito ngunit tila marami pa rin ang hindi nagdridrink moderately, marami paring umiinom ng sobra. May mga di nakikinig sa government warning dahil di raw maaasahan ang gobyerno kahit kailan. Sa ilan, mas mabuting ipalaklak sa baby ang mga powdered formula para daw mas dumunong ang isipan ng anak bukas (bahala na kahit mahal basta mahal kong anak ko!).

May paalala dahil kapag sumobra ay nakakasama na. Tulad ng alak, pag sumobra ka sa alak, hindi lang hangover at hyperacidity ang aabutin mo kinabukasan kundi diabetes at high blood din. May time na habang kumakain ako ng pansit kanton, binasa ko ang likod ng wrapper at nakasaad doon na huwag sumobra sa kain ng produkto sa kadahilanang di inilagay. (Siyempre, di ilalagay dahil kapag nilagay pa baka wala nang bumili, nuh!)

Buti nalang ang Bibliya di rin nagkukulang ng mga paalala. Siyempre, mahal tayo ng Diyos at ayaw din naman niyang mapahamak tayo, di ba? Ang maganda nga nito, detalyado ang mga paalala ng Bibliya sa atin. Magbibigay ako ng ilang halimbawa sa mga paalala sa pagkain, pakikipagkaibigan, inumin etc etc.

Pagkontrol sa Sarili:

"Huwag kang padadala sa masasama mong hilig,
bagkus pigilan mo ang iyong mga pagnanasa.

Kapag sinunod mo ang iyong masasamang hilig,
pagtatawanan ka ng iyong mga kaaway.

Huwag kang mawili sa panandaliang aliw
na ang ibinubunga'y ibayong paghihirap.

Kung wala kang sariling pera,
huwag mong asamin ang magarbong pag-aanyaya.
Kapag ang handa mo ay uutangin pa, sa malao't madali'y mamumulubi ka."
(Eclesiastico 18:30-33)


Pagkain:


"Anak ko, sa buong buhay mo'y lagi mong aalagaan ang iyong sarili,
at huwag kang kakain ng anumang makakapinsala sa iyo.

Sapagkat hindi lahat ng pagkain ay makakabuti sa lahat ng tao,
at hindi rin nasasarapan ang lahat ng tao sa lahat ng pagkain.

Huwag mong hangaring matikman ang lahat ng pagkain,
at huwag kang magpakalabis sa anumang ihain sa iyo.

Nagdudulot ng sakit ang pagkain nang labis,
at ang katakawan ay nauuwi sa sakit ng tiyan.

Marami na ang namatay sa katakawan,
iwasan mo ito at hahaba ang iyong buhay."
(Eclesiastico 37:26-30)




Alak:

"Huwag mong ipagmayabang ang lakas mo sa inuman,
marami na ang napahamak sa pag-inom ng alak.

Kapag pinabaga at binasa ang patalim, nasusubok ang husay nito,
sa kanyang pag-inom nakikilala ang maginoo.

Ang alak ay nagpapasigla sa buhay
kapag ito'y ininom nang katamtaman.
Ano ang sarap ng mabuhay kung walang alak?
Ang alak ay nilikha upang magpaligaya sa tao.

Kung ang alak ay iniinom nang napapanahon at nang katamtaman,
ito ay nagpapaligaya sa puso at nagpapasigla ng kalooban.

Ngunit sakit ng ulo, hirap ng loob at kahihiyan,
ang dulot ng alak kapag ininom nang labis.

Ang pagkalasing ay nagiging gatong sa galit ng hangal,
na nagbubunsod sa kanya sa kapahamakan.
Nakakabawas ng lakas at nakadaragdag ng mga sugat.

Huwag mong pagsasabihan ang isang tao sa oras ng inuman,
huwag mo siyang hahamakin habang siya'y nagsasaya.
Hindi iyon ang panahon ng pakikipagtalo,
at paniningil ng pautang."
(Eclesiastico 31:25-31)


1 comment:

  1. this great message,,i hope other people the knows..the good thing..not onli think 4 one day,,.and i believe this,,,

    ReplyDelete