100% KATOLIKONG PINOY! BLOG
Abangan... magsusulat ulit tayo!

Pages

Friday, March 6, 2009

Requiem: Francis Magalona, Tunay Na Pilipino



(October 4, 1964 - March 6, 2009)


Pinalakas niya ang diwang makabayan ng mga local rappers, at pinadama sa kanila na ang kulay ng balat ng mga Pinoy ay ang pinakamagandang kulay ng balat sa mundo.



Isa kang tunay na Pilipino, Mr Master Rapper. Ngayon, Diyos na ang siyang magsusukli ng iyong mga gawa dito sa mundong ibabaw. Bigyan ka nawa niya ng kapahingahan sa pagtatapos ng iyong tahakin.



"Ano ba ang tao, at ano ang kanyang katuturan?
Ano ang halaga ng kabutihan o kasamaang nagagawa niya?

Tingnan mo na lamang ang haba ng kanyang buhay:
Mahaba na ang sandaang taon.

Parang isang patak ng tubig mula sa dagat, o buhangin sa dalampasigan---
ganyan ang buhay ng tao, kung ipaparis sa panahong walang hanggan.

Kaya naman pinagpapaumanhinan ng Diyos ang mga tao,
at ibinubuhos sa kanila ang kanyang habag.

Nakikita at nauunawaan niya ang kahabag-habag nilang wakas;
dahil dito'y lalo niyang dinadagdagan ang kanyang pagpapatawad.

Ang pagkahabag ng tao ay para sa kanyang kapwa lamang,
ngunit kinaaawaan ng Panginoon ang lahat ng may buhay.
Inaakay niya sila sa tumpak na landas,
itinutuwid ang kamalian, sinusupil kung kailangan,
tinuturuan, at ibinabalik kapag naliligaw,
gaya ng ginagawa ng pastol sa kanyang kawan.

Kinahahabagan niya ang tumatanggap ng pangaral
at nagsisikap makatupad ng kanyang mga utos."
(Eclesiastico 18:8-14)




6 comments:

  1. He deserves more honor that rico yan. he contributed more that Rico Yan

    ReplyDelete
  2. Malaking kawalan nga sa industriya ng showbiz at musika itong si Francis M. Nakatatak na sa isipan ng maraming mga pinoy rapper ang pangalan niya.

    Isa siya sa mga personalidad na hindi inaasahang maagang mawawala. A pillar of Philippines music, you are righjt, chai, he deserves an honor more worthy and higher that the late Rico.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. FRANCiS M. WE WiLL MiSS U. KUNG SAAN CA MN NGAYUN.. SLAMaT SA LHAT. HNDi ACU MKAPANiWALA NA WLA CA NA. SALUDO KMi SAYO FRANCiS M.

    ReplyDelete