100% KATOLIKONG PINOY! BLOG
Abangan... magsusulat ulit tayo!

Pages

Friday, March 6, 2009

Sabi ni BRO, basahin mo ito... Ang Panalangin ni Santino...

By Mark Rodney Vertido


t

"Sabi ni BRO..." Ito ang mga katagang palagiang sinasambit ni Santino na tumatatak na rin sa bawat nakakarinig sa mga ito.





Si Santino ang isa na nga siguro sa pinakamamahal ngayong bata sa TV dahil sa kanyang papel sa teleseryeng May Bukas Pa. Kahit ilang beses mo pang di pansinin si Santino, sigurado akong hahanapin mo ang tinig ng batang ito at ang kanyang mga linya, "Sabi ni Bro..."

Oooopppsss... Oooppsss... Bago ang lahat, hindi ito isang advertisement para sa ABS-CBN.... Akala mo ha... Sabi ni BRO basahin mo ito...

Kakaiba na ata sa lahat ng mga teleserye ngayon ang tungkol kay Santino sapagkat kahit drama ang tema nito di maipagkakaila na napaka-childr at values-oriented ng palabas na ito. Isa sa kapansin-pansing ipinapakita nito ay ang pagpapahalaga natin sa pagdarasal. Itinuturo nito sa atin na marapat lamang na tayo ay magkaroon ng isang kultura ng madasaling lipunan. Bagamat pagdarasal ang tutok nito hindi nangangahulugan na basta-basta lamang ang pagdarasal bagkus ipinapakita nito ang mga dapat nating tagalayin sa pagdarasal, ang tamang pagdarasal.

Pangalan pa lang ni Santino meron nang ipinapahiwatig. Santino mula sa pangalang Santo Nino. Ano ba ang Santo Nino? Ito ang sumisimbolo sa batang Hesus. Bata. Ang mga bata ay sinasabing hindi marunong magsinungaling. Sabi ni BRO sa Bible na "sapagkat sa mga katulad nila [mga bata] nauukol ang paghahari ng Diyos. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang hindi tumanggap sa paghahari ng Diyos nang tulad sa isang maliit na bata ay hindi makakapasok doon sa anumang paraan." Sa pagdarasal kailangan nating maging isang bata. Isang batang tapat sa kanyang Ama at nasasabi ang lahat ng walang lihim at halong kasinungalingan.

Sa mga pagdarasal ni Santino makikita natin ang ilang mga katangian ng isang buong pusong pagdarasal. Ang panalangin niya ay simple at tuwiran. Napakasimple ng dasal niya ngunit dahil dito kaya niyang makipag-usap ng tuwiran sa Diyos ng walang anumang pagpapaliguy-ligoy. Ang pagdarasal ay pinakanatural na pakikipag-usap ng tao sa Diyos at ng Diyos sa tao. Ang pagdarasal ay ang pagsasalita ng tao habang ang Diyos naman ay nakikinig ngunit sa kabilang dako ito rin ay ang pagsasalita ng Diyos habang nakikinig naman ang tao. Sa pagdarasal feel free na sabihin ang lahat sa Kanya at ikaw rin naman ay dapat na makinig sa kanya.
Sa dasal ni Santino makikita ang buong loob na pagtitiwala niya sa kapangyarihan ni BRO. Sa lahat ng oras kapag may mga nangangailangan ng tulong o may mga
suliranin siya, nagtitiwala siya sa Kanya na mabibigyan Niya ito ng solusyon. Pagbibigay tiwala sa Diyos ng lahat ng bagay na sa pamamagitan ng awa at kapangyarihan Niya lahat ay magiging mabuti. Dapat lang tayong magtiwala sa Kanya.

Kailangan ding magkaroon tayo ng isang consistent, persistent, and from the heart na pakikipag-usap sa kanya. Iyan ang sikreto ni Santino. Hindi siya nawawalan ng pag-asa sa pagdarasal. Sa halip na tumigil, ipinagpapatuloy lang niya ang pagdarasal sapagkata siya ay may pagtitiwala. Bukal sa pusong pagdarasal ang kanyang pakikipag-usap kaya naman naririnig din niya ang mga sinasabi ni BRO. Sa ganung pamamaraan makikita natin ang sarili natin na hindi lang nagsasalita kundi nakikipagtalastasan na sa Kanya.

Ito ang Panalangin ni Santino... simple ngunit tuwiran, tapat at walang lihim, puno ng pagtitiwala, tuluyan at walang tigil, at bukal sa pusong pagdarasal...

Ngayong Kwaresma tayo ay muling hinihikayat ng Diyos na magbalik sa Kanya. Ang Kwaresma ay isang panahon ng pagtitika, pananalangin, at pagtulong sa kapwa. At bilang isang gabay sa ating pagkakaroon ng mas malalim na pananalangin sa Kanya kailangan lamang isaisip ang Panalaning ni Santino.

"Sabi ni BRO magbago ka na!"





8 comments:

  1. I really like this new primetime slot in abs cbn. It reminds me of magnifico

    ReplyDelete
  2. Its more like Marcellino Pan Y Vino to me :-)

    ReplyDelete
  3. I think they are both. The story seems to be two pinches of Magnifico and Marcelino pan y Vino alike.

    ^_^

    ReplyDelete
  4. i really love santino! truely a good influence to all, specially for the kids. i really hope they would make more shows like santino which focuses on good values and faith. :D

    ReplyDelete
  5. no wonder po because catholic ang mha lopezes di ba?? I found the show very heartlightening

    ReplyDelete
  6. maganda ang show na yan. marami tayong napupulot na moral lesson. ;-]

    ReplyDelete
  7. I hate this show. And to use a kid to do such a thing?

    Children are not yet aware of things and should be not labeled as such.

    Let everyone decide on their own.

    I so hate this show.

    ReplyDelete
  8. Childhood is one of the sweetest things here on earth

    ReplyDelete