100% KATOLIKONG PINOY! BLOG
Abangan... magsusulat ulit tayo!

Pages

Sunday, April 19, 2009

Ang Awa Ng Diyos

By Francis Raymund Gonzales


Isa sa di masukat na katangian ng Diyos ay ang kanyang dakilang Awa. Mula sa panahong nahiwalay sa biyaya ng Diyos sina Adan at Eba, hindi nawalan ang Diyos ng pag-aalala sa kalagayan ng nalugmok na mga anak niya. Nang suwayin nina Adan at Eba ang utos ng Diyos, kamatayan ang siyang kapalit ng kanilang pagkakamali. Ngunit nagawa pa rin ng Diyos na maging mabuti. Ginawan niya ng damit ang dalawang abang nilalang (Gen 3:21), isang senyales na hindi kaya ng tao na gumawa nang walang paggagabay na mula sa Diyos, gaano man siya karunong. At hindi lang pisikal na pangangailangan ang kanyang ibinigay, ipinangako din niya ang isang tagapagligtas na siyang dudurog sa ulo ng kaaway at magwawagi sa huli (Gen 3:15).

Kinaawaan din niya si Enoc, at kanyang kinuhang buhay mula sa makasalanang mundong kanyang tinitirhan. Kinaawaan din niya si Noe at ang kanyang pamilya at iniligtas sa tiyak na kamatayan na dala ng malaking baha. Pati na rin sina Abraham, Isaac at Jacob. Sila ay nakaranas ng awa ng Diyos at iniligtas sila laban sa kanilang mga kaaway. Kinahabagan din niya ang mga Israelitang naghahapis sa Ehipto. Sa pamamagitan ni Moises, kanyang iniligtas ang kanyang bayan at inuwi sa lupaing pinangako niya sa kanilang mga ninuno.



"Sa lahat ng bagay, Panginoon, niloob mong padakilain ang iyong bayan. Hindi mo sila pinabayaan saan mang dako sa lahat ng panahon. " (Karunungan 19:22) . Sa bawat henerasyon sa kasaysayan ng tao ay naipapamalas niya ang kanyang kapangyarihan laban sa masasama gayundin ang kaniyang dakilang awa sa mga tao. Sinong makakalimot sa mga taga-Nineveh, nang sila'y magsisi't mag-ayuno ay kinaawaan sila ng Diyos? Sa panahon ng mga Macabeo, anong

Si Cristo ang siyang nagbigay-liwanag sa tunay na katangian ng Ama. Hindi isang Diyos na mabagsik ang Ama kundi isang Diyos na mahal na mahal ang buong sanlibutan. Si Jesus ang katunayan ng pagmamahal na iyon. Niloob niyang maranasan ng kanyang Anak ang pagiging tao, at kay Hesus, nagpakababa siya sa kanyang sarili sa awa niya sa mga tao, mga taong naliligaw ng landas. Pinamalas niya ang kanyang dakilang awa sa krus, kung saan mula doon ay umagos ang tubig at dugo bilang sakripisyo para sa kasalanan. Sabi nga niya," At kung ako'y maitaas na, ilalapit ko sa akin ang lahat ng tao." (Juan 12:32)

Mas kinaawaan niya ang mga tao kaysa sa kaniyang sarili. Nagpakababa siya para makita natin ang tunay na katangian ng Diyos. Hindi na siya ang Diyos na di maaaring mahagilap a ng mata, at kung makita'y baka mamatay ang tao sa tindi ng takot at kapangyarihan. Ipinapakita niya sa kanyang sariling pagbabata sa krus na ang Diyos ay di malayo sa atin, isang Diyos na nariyan, nalalapitan, nakakausap, nasasamahan, nakikiramay, nakakaunawa.

O butihing Hesus! Ibuhos mo sa amin ang awa ng Diyos. Lunurin mo kami sa karagatan ng Awa at linisin nawa kami ng dugo at tubig na umagos mula sa iyong tagiliran. Kami ay nananalig at nagtitiwala sa Iyo, Panginoon.





Kapistahan ng Dakilang Awa Ng Diyos
Abril 19, 2009
Hesus, Hari ng Awa, KAmi Ay Nananalig Sa Iyo

3 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. If I may say so, there is really something primordial in the Filipino translation of Divine Mercy. I believe, mercy is one word that persistently defies translation. Awa? Not quite. I think it's HABAG. And I further believe, that the difficulty lies not in the poverty of the language but in the richness of the meaning of the word.

    Mercy is born out of compassion for which it derived its translation from a hebrew term 'rahamin' meaning 'womb of a woman.' And this is very evident in our pinoy culture, kung kaya meron tayong kasabihan, 'kaning isusubo na lang ng nanay ibibigay pa sa anak.'

    We experience it daily at home. Just think how many mothers skip their snacks even meal times so they can truly provide for their children ... yet how many times we have truly appreciated and showed our mothers how we loved them? Just as how many times did we fail to recognize God's hands moving in our daily lives as we are so pre-occupied with many things which may had been brought about by a doubtful motivation of trying to make for ourselves a 'safe and secure world.'

    We tend to forget sometimes that God can hardly fill our hands with the good things of His love, grace and Habag, while our hands are full with our own things.

    ReplyDelete
  3. Yes you are very right, brother francesco.. and it is very enlightening that the word mercy has some relation to the affection of to the natural instinct that the mother has for her child.

    The instinct still persist, and God is ever merciful to us. God bless you, brother francisco!

    ReplyDelete