100% KATOLIKONG PINOY! BLOG
Abangan... magsusulat ulit tayo!

Pages

Friday, April 24, 2009

(Dis) Honesty Is The Best Palusot

By Francis Raymund Gonzales




Tingnan ninyo yang babae sa itaas. Hindi yan nagbayad ng rental niya ng PC na ginamit niya for more than 14 hours! Ngunit isinuggest niya na kunan nalang siya ng litrato para madali siyang makilala at masingil kung sakaling bumalik uli siya sa cafe na iyon. Pumayag ang management. Ang wierd di ba? Mas wierd, hindi na bumalik ang babae.


Madalas ganyan rin ang ginagawa ng ibang pinoy sa pagpapalusot. Para makaalis sa isang sitwasyon, nagkukunwari silang honest para naman mabigyan ng konswelo ang mali na ginawa nila. Mga sikat na example, para makaalis na sa isyu si Jocjoc Bolante tungkol sa Fertilizer Scam, napursigi siyang pumunta sa Senado at magsalita doon para ipakitang wala siyang tinatago o kailangang itago. Kung anong pinagsasabi na ni Willie Revillame para lang mapagtakpan ang mali na nangyari sa game segment nila sa noon-time show na Wowowee. At sa pagbakasakali na makalusot sa kontrobersiya ng Hello Garci scandal kaya naibigkas ni PGMA ang sikat na mga salitang "I. Am. Sorry."

Madalas itinatalukbong natin ang ating pagiging sinungaling sa kaaya-ayang mukha ng kunwariang katapatan. Ilang ulit ba tayong taus-pusong nangako at pagkakuwa'y mauuwi nalang sa wala at mangangatuwiran pa (yung iba magagalit pa). Ang ibang tao naman ay mga ningas-kogon. Magiging honest at matiyaga lang sa una, ikalawa o ikatlong pagkakataon ngunit pagkakuwa'y tinubuan na ng sungay sa ilong. Ilang mga internet pyramid scams at money laundering ang naging matagumpay ng dahil sa mukhang "honest" naman ang mga taong sangkot.

Pero isang bagay lang ang sigurado- makikilala lang ang tunay na kulay ng isang tao at ng kanyang salita sa mga epekto nito. Kahit ang ating Panginoon alam niyang maraming magkukunwaring mga tao at mahirap kilalanin ang tunay at hindi sa unang tingin lamang.

"Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman? Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno. Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno. Ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. Kaya't makikilala ninyo ang mga hindi tunay na propeta ayon sa kanilang mga gawa."
(Mateo 7:15-20)



Tungkol sa sariling komento ko sa itaas, teorya ko ay habang nagiinternet ang babaeng iyan ay naghahanap siya ng Amerikano na magbibigay sa kanya ng datung. Kaya lang naabutan na ng napakaraming oras pero wala pa rin siyang maani. Lumala pa ang mga komento ko, baka naman wala talagang alam iyan sa internet at akala niya ay automatic na lumalabas ang kwarta sa computer kung makakakita ng amerikano. O di kaya ay habitually na ginagawa na niya ang istayl na ito. Marahil ay balak lang talaga niyang maglog-in ng ilang oras ngunit naabutan ng 14 oras dahil hindi siya makalabas na di napapansin o makaiwas sa mata ng nagbabantay. Maraming posibilidad.

Gayunpaman, na-amuse naman ako sa comment ng kaibigan ko tungkol sa litrato sa itaas: "Baka naman mayamang mayaman ang babaeng iyan. Trip lang niya na di magbayad."

Malay natin. :)



(Thanks to Ocean Access Internet Cafe, Dipolog City for the photo above)

2 comments:

  1. grabe yang babaeng yan adik walang hiya kapal ng mukha di nagbyad ano tinginnya sa mundo sang masamang panaginip bad trip tlaga nafeel ko pgkakita ko sa babae na yan sayang ganda pa naman adik lang

    ReplyDelete