100% KATOLIKONG PINOY! BLOG
Abangan... magsusulat ulit tayo!

Pages

Saturday, May 9, 2009

Ako Mismo - Responsable Ako

May 8, 2009



Ayon nga sa Bibliya, "Walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa kanyang sarili lamang." (Roma 14:7). Ibig sabihin, hindi tayo mga taong nabubuhay lang na walang responsibilidad o koneksyon sa Diyos at sa ibang tao. Lahat ng kilos natin ay maaaring makaapekto sa mga bagay na nakapaligid sa atin.


Unang nakita sa telebisyon ang patalastas pagkatapos matalo ni Pacquiao si Hatton nitong Mayo 3, 2009. Kasabay ng pagkapanalo ng pambansang kamao ay ang pagpukaw ng diwang makabayan ng ilang tao na gumawa na para sa bayan. Ang katagang ginamit ay napakafamiliar sa lahat: Ako Mismo.

Ako Mismo. Ang anumang kilos na siyang magtataguyod sa pagbabago ay magsisimula sa sarili. Gaya na walang bisyo ang kayang putulin ng sinuman maliban ng sarili, sa sarili din magmumula ang kilos ng pagbabago sa pamamagitan ng kagustuhang magbago.

Makikita sa patalastas at sa kanilang website (akomismo.org) ang ilang tanyag na mga personalidad tulad ni Angel Locsin, Chris Tiu, Arnel Pineda, Efren Penafl0rida, Ely Buendia atbp. Presently, mahigit 70, 000 na ang siyang nagparehistro sa Ako Mismo at naglagay ng panata na gagawin niya mismo para sa bayan. Ilan sa kanila'y nagpanata ng buong katapatan nang ganito:





Lahat tayo ay may pananagutan at ang simpleng gawa ng kabutihan at katapatan nati'y nagdudulot ng malalaking bunga. Tayo ay responsable sa isa't isa. Ang sakit ng lipunan ay sintomas ng sakit ng iisang tao. Kaya sa sarili natin hanapin ang mikrobyo ng lipunan at mula sa sarili natin gawin ang tama.

Kaya ikaw, ano bang magagawa mo? Malaki. Marami. Ikaw ang magsimula. Ikaw lang ang makapagsasabing, "Ako Mismo"


3 comments:

  1. Actually ang nagcatch ng attention ko bukod sa "Ako Mismo" line nila ay ang dogtag at ang CHANGE T-shirt ni Efren. Tingin ko yun ang catch kaya din madaming sumali para magkaroon noon. Pero sa totoo lang maganda ang hangarin ng grupo at todo ang promotion na binibigay nila dito kaya bakit hindi na lang natin tulungan kaysa yung iba ay sobra pang manira. MAGTULUNGAN TAYO! Buhayin nating muli ang Bayanihan.

    ReplyDelete
  2. Sumali na rin dyan, nilagay ko ' ako mismo ang pupuksa sa rebelyon sa mindanao' kya lang di ko makita andami kasi

    ReplyDelete
  3. The idea was good but good thing I was not as stupid as people are. If I would do something I need not an idea or people to push me to do things.

    I so agree with this...

    ReplyDelete