100% KATOLIKONG PINOY! BLOG
Abangan... magsusulat ulit tayo!

Pages

Monday, August 10, 2009

Petition To Oust Willie Revillame (Oops, He Did it Again)

By Francis Raymund Gonzales



Sa pagkakataong ito, wala nang biruan.

Kamakailan, nabigla ako sa reaksyon ng taong ito habang nanonood ako ng "Wowowee". Habang naghohost sa kanyang regular na noontime show, pinapatanggal niya ang isang live update ng pagdating ng funeral cortege ni Cory Aquino sa Manila Cathedral na naiflash sa gilid ng TV screen. Anya, hindi daw tama na maipakita ang kabaong ni Tita Cory habang sila ay nagsasaya, dahil nahihirapan daw siyang magpasaya. Ang resulta ngayon, maraming nagreact at nagalit sa kanyang ginawa.

Madali lang naman maintindihan ang panig ng TV show host na ito kung tutuusin. Pamilyar tayo sa sentimiyento mayroon siya. Kung tayo ay nagtratrabaho o di kaya ay nag-aaral, ayaw nating may nakakasagabal sa atin na gawin ang ating mga gawain. Sa kaso ni Mr Willie Revillame, ayaw niyang may makahadlang sa kanya sa pagpapasaya sa kanyang programa. Imposibleng makapagbigay siya ng taus-pusong kasiyahan tuwing nagkakaroon ng puwang ang kalungkutan sa eksena. At hindi naman talaga dapat maghalo sa isang programa ang pagdadalamhati at kasiyahan. Ngunit wala sa sistema ng programa ang problema, kumbaga:

Nasa uri ito ng tao, nasa ugali.

Hindi ko sukat akalain na kayang gawin ni Willie iyon, ang pagsabihin/utusan ang nakatataas sa kanya na ganun-ganoon nalang. Ang alam ko, may constant coverage ang ABS-CBN ng tungkol kay Cory Aquino at inieexpect ko nang magkakaroon ng mga insertion from time to time tungkol sa pumanaw na pangulo. Mahalaga kasi ang coverage na ito dahil ito ay kasaysayang nasasaksihan natin mismo sa ating mga mata, lalo na ng mga malalyo at sa media lamang umaasa. Alam nating sa mga susunod na mga henerasyon, tanging sa libro at dokumento na lamang nila makikita ang bahagi ng kasaysayang ito. Maswerte tayo dahil naabutan natin ito.

Ang pagdating ng funeral cortege sa Manila Cathedral ay isang eksena ding hindi dapat pinapalampas ng sambayanan. Tumatatak kasi na sa buong kasaysayan ng cathedral, tanging si Pangulong Cory lamang ang "lay" o laykong tao na nabigyan ng karangalan na iburol rito ang kanyang mga labi. Mula pa noon ay mga obispo at clerico lamang ang inibuburol sa loob ng Inang istrakturang Simbahan ng Iglesia Katolika ng Pilipinas. Nagkaroon ng "pagbabago" rito at isang record na kailangang hindi dapat maisantabi.

Anong karapatan ni Mr. Revillame na kunan tayo ng karapatan na masaksihan ang mahalagang bahagi na ito ng kasaysayan? Ibig bang sabihin ay mas karapat-dapat sa kasaysayan ang kaniyang show na "Wowowee" at hindi ang sandaling nagaganap sa burol ng larawan ng demokrasya? Hindi ba niya alam na kaya ng bansa na isuko ang anumang kasiyahan kung kinakailangan makita lamang ang mga sandaling ito? Kaya ba ng Wowowee na tumbasan ang kahalagahan ni Pangulong Cory Aquino?

Masasabi kong hindi marunong gumawa ng magandang imahe sa telebisyon itong si Ginoong Willie Revillame. Ang naaalala kong una niyang "faux pas" (maling hakbang) ay ang kaniyang pagbubukas-loob sa MTB (Magandang Tanghali Bayan) noong bago lamang siya tinanggap muli ng ABS-CBN. Hindi iyon nagbunga ng isang epektibong pag-amin sa madla. Maling hakbang din ang kaniyang pagpapasang-turo kay Joey de Leon bilang isa sa kanyang mga "detractors" noong sariwa pa ang Wilyonaryo scandal ng Wowowee, dahilan para magbitiw si Joey ng isang matindi ngunit mabisang hamon: "Explain before you complain"


Sumasang-ayon ako sa napakaraming mga Pilipino na ngayon ay nakikibaka upang sugpuin ang bigotry na ito na naggagaling sa isang nagiging "sagabal" sa ating maka-Pilipinong damdamin. Ika nga ni Conrado de Quiros ngayong Augusto 10, "It brings to mind Willie Revillame's objection to a Cory video clip interrupting "Wowowee", which was that the solemnity of the video clashed with the gaiety of his show. If so, then the obvious conclusion was for him to give way, not Cory. The lack of sense of proportion, not to speak of propriety, testifies only to a staggering ego and a petty mind." (Conrado de Quiros, Noynoy for president)

At sa ABS-CBN, kung kayo'y tunay na naglilingkod sa Pilipino, kailangang malaman ng lahat ang inyong panig at panagutan ni Willie Revillame ang kanyang pagkakamali, sa harap naming Pilipino. Tinatanggap ng pamilya Aquino na sila ay hindi nabubuhay sa kanilang sarili lamang, kundi na sila ay pagmamay-ari ng publiko. Kaya hindi sapat na sa pamilya Aquino lang ang konswelo. Nawa'y sa publiko humingi ng tawad ang notorious na TV host na ito.

5 comments:

  1. sana hindi na niya sinabi yun sa harap ng camera.. yun lang.. sana magsilbing leksyon sa kanya ito.

    ReplyDelete
  2. ngaun ko lang nalaman ung about dun... di kasi ako nanunuod ng wowowee eh...
    grabe pala talaga....

    ReplyDelete
  3. wala quits lng cla...
    tignan mo mabuti...

    c mr. willie revillame komedyante lights camera action...

    c madam cory presidente no lights (brown out kc) no camera (si kris aquino laman ng camera) no action (anong nangyari sa bansang Pilipinas at naghihitrap tayo ng ganito?)

    ReplyDelete