100% KATOLIKONG PINOY! BLOG
Abangan... magsusulat ulit tayo!

Pages

Tuesday, December 15, 2009

Anong Masama Sa Pasko? part 1

by Francis Raymund Gonzales



Di-Katoliko: Wala sa Bibliya na dapat magdiwang ng Pasko. Walang sinabi si Hesus na dapat magdiwang ng araw ng kapanganakan niya.


Katoliko:
Limitado lang ba sa mga sinabi ni Hesus sa Bibliya ang dapat gawin ng isang Kristiyano? Wala din namang sinabi si Hesus na huwag kang maninigarilyo o mag-drugs, ibig bang sabihin nito ay pwede nating gawin ang mga bagay na yon dahil walang sinabi si Hesus tungkol don?

Atsaka, kung limitado lamang sa sinabi ni Hesus ang dapat na gampanan natin, di na sana sinabi ni Hesus ang mga salitang ito:

"Tandaan ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang pahintulutan ninyo dito sa lupa ay pahihintulutan sa langit." (Mateo 18:18)

Kung limitado lamang sa sinabi ni Hesus ang dapat gawin nating mga Kristiyano, wala nang dapat ipagbawal o pahintulutan pa. bakit pa ba magbabawal at magpapahintulot kung may nakasulat na? Kung ikaw ay isang pinuno ng Iglesia, ba't magbabawal ka pa kung ang ginagampanan mo at ng iyong sinasakupan ay dapat nasa Bibliya lang, at bakit magpapahintulot ka pa kung may Bibiya namang pwedeng basehan ang mga sinasakupan mo at doon nalang huminggil. Kung miyembro ka naman, bakit ka pa hihingi ng pahintulot sa iyong pinuno sa Iglesia kung alam mo na ang mga bagay na dapat gawin ay 'yong nakasulat sa Bibliya lang?


Ang sinabi ni Hesus, "anuman" ang ipahintulot ng mga pinuno ng Iglesia, papahintulutan din sa langit.


Di-Katoliko: Saan nakasulat sa Bibliya na Disyembre 25 ang kapanganakan ni Hesus?

Katoliko: Walang nakasulat na eksaktogn petsa kung kailan siy ipinanganak, ngunit gaya ng sinabi ni Hesus, anuman ang ipahintulot dito sa lupa, sa langit ipapahintulot din. Ang pagdedeklara na sa Disyembre 25 ipagdiriwang ang kapanganakan ni Hesus ay kasali na sa "anuman" na iyon.


Di-Katoliko: Pero ang Disyembre 25 ay dating selebrasyon ng mga pagano na tinatawag nilang Dies Solis Invictus, kaarawan ng araw para sa relihiyong paganong Mithraism.

Katoliko: Tama, dati nga itong araw ng kapanganakan ng araw ayon sa Mithraism


Di-Katoliko: Ibig sabihin, sa paganong araw ninyo ipinagdiriwang ang kaarawan ni Hesus! Aba'y masama yun!

Katoliko: Anong masama dun? Bakit, pag-aari ba ng mga pagano ang araw at panahon? Hindi ba ang Diyos ang siyang tunya na may-ari ng panahon at ng kahit ano sa mundong ito? Sa anong paraan ba makasasama kung babawiin uli ng Diyos ang araw na iyon para ilaan sa Kanyang sarili? Sino ba ang mas malakas, ang mga pagano o ang Diyos? Makaka-apekto ba sa atin ang pagdiriwang ng Pasko sa parehong araw?


Di-Katoliko: Kasi naman, sa panahong iyan nagdiwang ang mga pagano noon. Hindi ba't sabi sa Bibliya, "
Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? Maaari bang magkasundo si Cristo at si Belial? Ano ang kaugnayan ng sumasampalataya sa di sumasampalataya?" (2 Corinto 6:14)


Katoliko: Saan ba nakikipag-isa ang mga katoliko sa mga pagano, sa ipinagdiriwang ba o sa araw lang?


Di-Katoliko: Sa araw.

Katoliko: O, iyon naman pala eh. Bakit binibigyan mong importansya ang araw, eh hindi naman pareho ang ipinagdiriwang? Hindi applicable yang binigay mong sitas para ipamali mo ang pagdiriwang sa Disyembre 25. Wala ngang kaugnayan ang Pasko sa araw ng Dies Solis Invictus ng mga pagano kasi di naman pareho ang ipinagdiriwang ng bawat isa sa araw na iyon! Kaya wala ngang kaugnayan ang Kristiyano sa pagano kahit na sa parehong December 25 pa sila magdiwang.

Parang ganito, bertdey ng nanay mo at bertdey ng nanay ng nakatira sa ikalawang kanto. Komo ba magkapareho ang bertdey ng mga nanay ninyo eh magkakaroon na sila ng kaugnayan sa isa't isa? Hindi naman tama di ba? Kaya wala ngang ugnayan ang mga Kristiyano sa mga pagano pagdating sa pagdiriwang sa December 25.

Kawawa naman yung mga magbebertdey ng December 25, biro mo mali yung pagdiriwang nila kasi kabertdey nila yung paganong araw.




(Watch out for part 2)








8 comments:

  1. Totoo na ang disyembre 25 ay ipinagdiriwng na kaarawan ng Pagan god. Pero ng malaman nila ang katotohanan na ang pagan god ay hinde tunay na diyos, at napatotohanan din nila na si Kristo ang tunay na Diyos, To give insult to the pagan god, they celebrate December 25 as the birthday of Jesus Christ. Please read the book "The first father of the Church".

    ReplyDelete
  2. The Annunciation was somewhere in late March. Add nine months... You get the picture. At least we know why ADD, Manalo, Saksi Joba, etc. are SOOOOOO grumpy. No celebration for them, and that means their faith is one of eternal gloom.

    ReplyDelete
  3. ...ipinapakita lang na si Hesus (thru the Catholic church) ang tunay na mananakop, ang Hari ng mga hari tulad ng pagpili Nya na itayo ang Simbahan sa mismong puso ng kaharian ng kalaban ng mga panahong iyon, ang Roma. Kaya naman isang tagumpay at karangalang ang tawaging Romano Katoliko tulad din ng pagsakop ni Hesus sa kapistahan ng mga pagano =) Mabuhay ang pananampalatayang Katoliko! Mabuhay ang mga Kristiano! - Carl96

    ReplyDelete
  4. kuya frncis...i really like this one!!! thanks for posting...Godbless you....- this is nurse maan...

    ReplyDelete
  5. Ang langit mismo ang nagdiwang ng ipinanganak si Hesus. Ang mga anghel sa kalangitan ang nagsiawit ng Luwalhati sa Diyos sa Kaitaasan. Kung sila ang nagdiwang ng unang Pasko at naggalak para sa sanlibutan bakit tayong mga iniligtas nya sa kanyang pagdating ay hindi magdiriwang sa pagdating ng dakilang Tagapagligtas?

    ReplyDelete
  6. Pano nyo nasure na Dec.25 ang Christmas Day?research try to unlearned things, walang inutos sa bible na i-celebrate ang Christmas , yung inuutos na Sabbath at New Moon nga eh,iniba at inalis ng tao eh...Masyado binulag ang tao ng katotohanan.Bulatlatin at itaktak nyo man ang bibliya wala kayo makikita cinecelebrate ang Christmas...Hwag tayo masyado lumagpas sa mga nakasulat. natural na Langit ay magdiwang .... Mas pahalagahan natin ang utos kaysa tradition na ginawa lang ng tao.

    ReplyDelete
  7. Sa mga nag-cecelebrate ng Christmas at sumasamba sa araw ng Linggo,mabuting pag-aralan nyo muna ang ugat ng mga katuruan yan.hwag lang gumaya at maki-ayon, malalaman nyo ndi kinalulugdan ng Diyos Ama nasa langit ang ginagawa ninyo. Alam yan ng mga pastor at pari, hindi lang lubusan maibahagi at ma-ipractice kasi takot sila mawalan ng tupa at congregation at tuligsain.habol nila dami ng tao....sasamba sa Sambahan nila.

    ReplyDelete
  8. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete