100% KATOLIKONG PINOY! BLOG
Abangan... magsusulat ulit tayo!

Pages

Thursday, December 10, 2009

Panahon ng Luntian at Liwanag

by Francis Raymund Gonzales



Ano ang kaugnayan ng liwanag sa kulay luntian?


Simple, hindi mo makikita ang kulay luntian kung walang liwanag. Ang liwanag ang siyang tumutulong na makilala ng cones sa iyong mga mata ang kulay berde. Kaya malaki ang kaugnayan ng kulay luntian sa liwanag.


Ano naman ang kaugnayan ng kulay luntian at liwanag sa Pasko?

Ahmm, may nalalaman ako, at mas mabuting isa-isahin natin. Ang luntian ay kilala na bilang kulay ng Pasko. Ito ay ayon sa kalagayan ng ibang bansa, sa mga bansang inuulanan ng niyebe tuwing tag-lamig. Habang ang ibang mga puno ay nalalagasan ng dahon bago mag tag-lamig, ang puno ng pino, o pine tree, at ang iba pang kapamilya ng pine tree ay nananatiling may dahon at hindi nalalagasan. Sa pagdating ng taglamig, tanging ang mga pine tree lamang ang may dahon pa rin na nagtitingkaran sa kapaligirang puti dulot ng niyebe.

Nang dahil sa kalikasang iyon ng pine tree, naging sagisag ito ng napakaraming virtud. Sagisg ito ng buhay. Sagisag din ito ng pag-asa.

Tumungo naman tayo sa liwanag. Mas nagiging maikli ang araw at mahaba ang gabi sa huling mga buwan ng taon. Kaya mas mainam na sa gitna ng dilim, may liwanag na nagniningning.

Ilan lamang ito sa mga simpleng kaugnayan ng luntian at liwanag sa Pasko. Para naman sa ating mga Kristiyano, hindi simple-simple lang ang dapat na makuhang diwa sa mga simbolismong ito. Katulad ng luntian, dapat ring huwag maparam ang ating pag-asa sa Diyos at sa kanyang kabutihan (Roma 15:13) . At tulad ng liwanag, maging ehemplo nawa tayo ng kabutihan para sa iba, upang sa gayon ay mapuri ang ating Ama na nasa langit (Mateo 5:16)


Maging buhay at magliwanag pa!

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete